Thursday, January 12, 2012

It’s More Fun in the Philippines




Ang Sabi ni Juan:
It’s More Fun in the Philippines

Ang sabi ni Juan, sa napipintong bakbakan
At “Impeachment Battle niyang binansagan
Magkabilang kampo panay na ang kanyunan
At bombang “accusation” ang pinalulutang

Knight Solon” ni PNoy “condo bomb” ang ibinato
Sa kampo ni Corona na may tinik sa ulo
Ito raw ay ebidensiyang ang chief na mahistrado
Nagpayaman sa tungkulin at posisyo’y inabuso

Mga “Senator Judges” na dito ay taga-hatol
Agad namang pumagitna sa bomba na ipinukol
At ang sabi: “Ito’y duwelong sa sixteen pa itutuloy”
Kaya rules ay nilalabag ng kongresistang prosecutor

Dahil dito’y natameme, knight solon ng palasyo
Kahit sila, sa katwiran, hindi naman kumbinsido
Ang hinukay nilang “time bomb”, itinabi’t, itinago
At oras ay ini-reset, sa disi-sais ng Enero

Abugado ni Corona, meron namang pinasingaw
Ang senator judges daw isa-isang “ginagapang”
Kay Haring PNoy ng palasyo naka-ukol ang paratang
Upang makasiguro raw na si Renato’y mahatulan

Meron ding nagnanais, atensiyon ay iligaw
Sa condo unit ni Corona’ng una nang inilitaw
Si Justice Carpio ng Supreme Court ang pinagbalingan
At ang condo naman nito ang siyang napag-tripan

Habang ito’y nagaganap patuloy na kumikilos
Ang “dalawang itlog” na nagkakanda-kumahog
Sila po’y abugado ring tila utak ay nakalog
At proseso ng impeachment, ninanais na ihulog

Sa “last minute” humirit pa, nagpetisyon ang dalawa
Na karagdagan sa petisyong nakahain na at nauna
Ang dalawang itlog na ito, sa Supreme Court ay umaasa
Na desisyo’y ibababa, pabor po sa chief nila

Ang wika ni Mandy, kanya raw pong nakikita
Na proseso ay matutuloy, tadhana ang magdidikta
Ang duwelo ay “pagdalisay” kay Renato Corona
Dito natin malalaman, kung siya ay ginto nga

Sa dalawang ito, ang payo ni Juan
Panoorin na lamang, Impeachement Battle na labanan
Natitiyak niyang sa gitna ng tunggalian
“It’s more fun in the Philippines,” ang kanilang mauusal


Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
Enero 12, 2011

No comments:

Post a Comment