Thursday, December 15, 2011

The Immortals

Benigno S. AquinoPresident

Gloria Macapagal ArroyoEx President
Laila De LimaDept. of Justice Secretery
Renato CoronaSupreme Court Chief Justice
Sonny Belmonte
House Speaker

Juan Ponce Enrile
Senate President


Ang Sabi ni Juan:
THE IMMORTALS
(Part 5)

Ang sabi ni Juan, atin daw pong makikita
Ang digmaan ng “immortals” na sa lupa ay bumaba
Sila po’y “powerful” din at may banderang dinadala
Na ngayo’y nag-aaway ng dahil sa dating reyna

Si PNoy po ang may setro’t, “Malakanyang”, itong trono
Ang “pawn” niya’y nakabakod at opisyal na kabalyero
Si De Lima na “Rook” niya, ang moog na nakatayo
At una nang sumagupa sa “Queen’s Tower” ni Arroyo

Sa bundok ng “Lower House”, si Belmonte ang namumuno
Kongresista’y kinapulong, may sandatang iniluto
Kaalyado po ni PNoy, ang “cook” nito’t pasimuno
Impeachment Case” na pang-bomba, daglian po na hinango

Dokumento ay ipinasa sa bundok po ng “Senado”
Kung saan si Enrile ang “boss” ditong tumatayo
Sa bundok din nilang ito, gagawin ang isang duwelo
Queen’s Tower Vs. PNoy’s Knight, na Solon ang bumubuo

Sa bundok ng “Supreme Court” ni CJ Corona
Kanya pong binatikos, si King PNoy, pinuntirya
Ang tapang ng Batanguenyo sa anyo n’ya ay nakita
At supporter niyang judges, sa kanya po’y nakisama

Ang Senado ay tumugon, sa January itinakda
Ang “impeachment battle” na sa kasaysaya’y matatala
Dito po ang chief justice at abugadong mandirigma
Ang sasalang sa arenang, sasaksihan nitong madla

Sampung araw na palugit, ibinigay kay Corona
Na sagutin ang kaso na sa kanya’y isinampa
Kaya naman kampo niya tila handa na sa giyera
Attorney na nire-recruit, “malalaki ang kampana”

Sa akusadong chief justice, na sa batas ay marunong
Mga “senator judges” ang sa kanya ay hahatol
Sa hanay po ng senador, may “matalino” at may “bopol”
May abugado, may sundalo, may artista, merong “kengkoy”

Sa palasyo ni PNoy, siya nama’y manonood
Ganoon din si De Lima na sa kanya’y nagtatanggol
Ang knight nilang mga Solon, aabangan itong sulong
Kung kaya bang patalsikin, Queen’s Tower ay mapaurong

Ang wika ni Juan, sa giyera pong magaganap
Ng mga immortals na sa power ay may hawak
Tayo po ay umaasang may bayaning itataas
Dahil “even immortals need a hero” ang sabi nga sa palabas.

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
December 15, 2011

No comments:

Post a Comment