Wednesday, October 12, 2011

The Court of Last Resort



Ang Sabi ni Juan:
The Court of Last Resort

Ang sabi ni Juan, sila rin dapat ang sisihin
Kung Korte Suprema, target ngayong atakihin
Ito’y dahil sa desisyong sa kanila rin nanggaling
Na umani ng kritisismo dahil tila paling-paling

Ang Korte Suprema, isa nating institusyon
Na sa ating gobyerno, haligi at pundasyon
Kung wala po ang “high court” batas nati’y ‘di gugulong
Dahil walang nasa “tore” na dito po ay hahatol

“The court of last resort” tawag sa Korte Suprema
Dahil kasong inapila, sa kanila pumupunta
Ang mga natalo’t, nawalan na ng pag-asa
Sa kanila tumatakbo, bilang “huling baraha”

Ngunit sa kaso ng FASAP, tila sila ay nasilat
“Nagbigay-bawi” sa desisyong, kanila pong inilabas
Ito po ang pinupuna’t gumawa ng alingasngas
Nakasira sa institusyong, sila po ang nag-iingat

Komento ni Mandy, hindi nga raw kagandahan
Sa desisyon ng Supreme Court, nagyari ay kapalpakan
Lalo’t ito’y ginawa lang nang sila raw ay sulatan
Ng kilalang abugado’t, sa batas ay kahusayan

Ang isip ng tao, ‘di raw pwedeng ‘di maglaro
Lalo’t itong kaso, malaki po’t sensitibo
Naglalaba’y “capitalist”, at sinibak na “empleado
At ang masang nanonood hindi naman mga bobo

Ang sabi ni Juan, ano raw ba talaga kuya?
Ang desisyong bigay-bawi ng Korte Suprema
Marami pong mamamayan ang dito ay nagtataka
Ito raw ba’y isang “wisdom” o gawa ng mga “tanga”

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
October 12, 2011

No comments:

Post a Comment