Wednesday, October 5, 2011

Photo Op



Ang Sabi ni Juan:
Photo Op
Ang sabi ni Juan, sa bansang may kalamidad
Mga taong apektado’y dumaranas po ng hirap
Ang isa sa naiisip at kanilang hinahanap
Ang lider na sasandiga’t may puso na lumilingap

Nang si PNoy ay maluklok sa pagka-pangulo
Marami ang umaasang, magiting siyang kabalyero
Paghanga ay nadagdagan nang humarap siya sa tao
At sabihin sa talumpating “kayo ang Boss ko”

Ngunit ngayon ay nalantad kung sino si PNoy
At sino ang Bosing na kanyang tinutukoy
Sa gitna ng kalamidad na ang tao’y nananaghoy
Tila siya’y nagkukubli’t paos din po ang pagkahol

Depensa ng palasyo, si PNoy ang kumukumpas
Sa pagkilos ng alagad niya’y, siya po ang nag-atas
Kung ‘di man daw nakikita, si PNoy ay umiiwas
Sa “photo-op” ay allergic kaya hindi lumalabas

Komento ni Mandy, sobra daw sa kababawan
Ang ginamit na “alibi” ng presidenteng naturingan
Ang sabad ni Kiko, dapat nga lang s’yang pulaan
At anihin ang imaheng, hindi nga po kagandahan

Siste pa ni Kiko, si PNoy daw kung mag-react
Ay kapag na-criticize na ng mga “pakakak”
Kaya nang maglibot siya at sa tao ay lumantad
Tila pilit lang daw ito’t may bahid ng pagka-huwad

Ang wika ni Mandy pangit daw pong halimbawa
Ipinakita ni PNoy nang si “Pedring” ay magwala
At salantain ang lalawigang pinalubog po sa baha
Sa katuwirang sa photo op ‘di raw mahilig ang mama

Ang payo ni Juan huwag na daw magpa-impress
Ang ating presidenteng sa photo-of, ay ‘di sabik
Mga tao’y lalo lamang, sa kanya ay maiinis
Kaya ito’y hindi rason ng pangulong merong bait

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
October 5, 2011

No comments:

Post a Comment