Monday, August 15, 2011

New Nation?



Ang Sabi ni Juan:
New Nation?
Ang sabi ni Juan, ang haba na ng prusisyon
Sa usapin ng “peace talk” sa Mindanao na rehiyon
Ilan na bang presidente, ang dito ay tumugon?
Anim na po yata, mula Makoy hanggang PNoy
MNLF ni Misuari, nawala na sa eksena
MILF ang pumalit na may sariling agenda
Sila rin po ay nanganak na, ng mga terorista
Abu Sayyaf at paksiyon na, lumihis na ng ruta

Sa panahon ni GMA, may napagkasunduan na
Pero ito’y nabasura, nang sa Supreme Court ay ipasa
Ang desisyon nga pong ito, malagim ang ibinunga
Kumander ng MILF, inosenteng tao ang giniyera

Sa gobyerno ni PNoy, patuloy ang negosasyon
Kapayapaan sa Mindanao, hinahanap ang solusyon
Ang ating presidente, nagpunta sa bansang Hapon
Pinuno ng MILF, kanya pong kinapulong

Opinyon ni Mandy, dapat maging matalino,
ang government negotiator, dahil MILF daw ay “tuso”
Sa pakikipagkasundo, baka muling mapasubo
Ma-kompromiso ang interest, ng bayang Pilipino

Dapat din daw ay transparent , pakikipag-usap
Huwag itong itatago’t, ang paghimay ay ilantad
Ito ay isang isyung, apektado raw ang lahat
Na ayaw pong ang Mindanao, sa Pilipinas ay “mabiyak

Kung ang negosasyon, pasikut-sikot, liku-liko
Ang una raw na “tumbukin”, komentaryo ni Kiko
Ang tunay na nilalaman sa utak ng namumuno
Kung “independent state” pa rin, sa ulo ang kumukulo

Kung ito ang matutumbok, tapusin ang negosasyon
Dahil “non-negotiable” ang kanilang nilalayon
Kung ito nama’y “autonomous”, na meron tayo ngayon
Wala na raw pagtatalo, ang peace talk po ay isulong

Ang sabi ni Juan, siya lang ay nangangamba
Sa “sub-state” na terminong, MILF ang kumatha
Baka raw po ito’y “disguise” o pang-ligaw na kataga
Na kung hindi ide-define, baka tayo’y matulala

Kapag ‘di raw mag-ingat, matatalinong negosyador
Baka bukas, makalawa, ‘pag tayo ay pumaroon
Magulantang na lang tayo, may MILF immigration
Na sisita sa ‘ting passport, dahil sila ay “New Nation”
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
August 12, 2011

No comments:

Post a Comment