
Ang Sabi ni Juan:
Heads Will Roll
Ang sabi ni Juan, isa na raw bukang-bibig
Ni PNoy ang katagang, palagi niyang inuulit
“Heads will roll” daw po, dinig nilang sinasambit
Kapag merong kapalpakang, tauhan n’ya ang sumabit
Ito’y hindi po nangyari sa tauhan n’yang si Puno
Na sa huweteng payola, isa sa naituro
Ito daw po kasi, “best friend” ng Pangulo
Kaya ‘di pinugutan, bagamat pinag-lie low
Isa pa sa sumabit, Usec Torres ng LTO
Sa isyu ng kotseng carnap na narerehistro
Stradcom daw na take-over, siya rin ang itinuro
Ngunit nag-leaved lamang ito na ulo ay nakatungo
Kamakailan lamang, isa uling appointee niya
Ang sa tungkulin daw nito, tila nagpabaya
Isang convicted criminal, nahuli pong gumagala
Nakapuslit sa bantay n’ya, na nakatunganga
Ang bulok na sistema, sa ating correctional
Mga namumuno dito, ang nagpapairal
Ngayong nahayag na, sila’y nagtuturuan
Kanya-kanyang iwas, sa nangyaring kapalpakan
Retirado pong pulis na si Totoy Diokno
Na sa ating BUCOR, Director na namumuno
Nagsabi po itong ‘di siya dapat ang ituro
Dahil responsibility, di niya solong inaako
Ang ganitong katuwiran, alibi ng pilosopo
Na hindi raw competent sa kanilang trabaho
“Command responsibility” nawala sa kanyang ulo
Gayong noong pulis siya, ito ang kanyang “motto”
Ang sabi ni Juan, ito raw po’y isang hamon
Kay PNoy na nagsasabing, merong ulo na gugulong
Ang bayan ay naiinip, makakita na ng sampol
Sila ngayo’y nag-aabang kung may ulong mapuputol
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
May 24, 2011
No comments:
Post a Comment