
Ang Sabi ni Juan
Leadership Vacuum?
Ang sabi ni Juan kay GMA na komento
Na may “leadership Vacuum” sa ating gobyerno
Kanya raw inisip kung ito nga ba ay totoo
At ano ang basehan ni Congresswoman Arroyo?
Agad pong nag-flashback sa alaala ni Juan
Ang mga nangyari sa buwang nagsidaan
Sa panahon nang “crisis” si PNoy ba ay nasaan
At ang mga ito, agad ba n’yang natugunan?
Ang unang pagsubok sa liderato niya
Ay ang hostage sa Luneta na nauwi sa trahedya
Buhay ng mga turista ang dito ay nakataya
Pero bilang Presidente, meron ba siyang ginawa?
Ang “impact “ po nito ay pang buong mundo
At ang “foreign relation” dito ay apektado
Hindi po yata naisip ni PNoy Aquino
Na ang kanyang leadership, pupulaan dito
Sa ngayon ay “domestic” ang atin pong crisis
Na ang apektado mamamayang nananangis
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis
Ang “domino effect,” sa mahirap nagre-reflect
Ang mga negosyanteng, sadista at buwaya
Sa presyo ay enjoy sa pagmamanipula
Ang suweldo po naman ng obrero’t manggagawa
Nananatiling “stagnant” sa gitna ng lawa
LTFRB’y binasbasan, fare hike ng sasakyan
Sa taxi at sa jeep, pasahe ay dinagdagan
Ang Metro Manila bus, ganoon din ang provincial
Hindi po nagpahuli, agad silang nagsunuran
Sa gitna ng crisis na nag-aalimpuyo
May dialogue si PNoy sa sensitibong mga isyu
Siya daw ay “HANDS OFF”, kahulugan ba nito’y ano?
Sagot ng katoto ko, “Bahala na raw tayo”
Ang katuwiran niyang ito’y, dahil sa nagaganap
Na pagtaas ng bilihin na hindi po maawat-awat
Ganoon din sa presyuhan ng langis na inaangkat
At serbisyong transportasyon na sobra na itong impact
Ang hands off niyang ito’y "pinulot" ni Gloria
Kaya leadership vacuum, kanya pong winika
Ang isa pong Presidenteng ganito lagi ang dada
Para tayong walang lider na namamahala
Si PNoy ay iniluklok ng tao sa kanyang trono
Sa pag-asang sa crisis nga, meron tayong kabalyero
Ang hands off niyang bukang-bibig, kapag ora de peligro
Ay asal ng isang duwag na sa giyera’y tumatakbo
Ang payo ni Juan kay Pangulong Noynoy
Sa ganitong sitwasyon, huwag siyang maging “abnoy”
Dapat siyang manindigan, ang masa ay ipagtanggol
Presensiya n’ya’y ipadama, kahit saan pa humantong
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
April 18, 2011
No comments:
Post a Comment