Tuesday, April 26, 2011

This is my Point



Ang Sabi ni Juan
This is my Point

Ang sabi ni Juan hindi raw po pulitiko
Titikim ng pilantik n’ya sa pagkakataong ito
Ang tao pong ito, isa lamang ordinaryo
Pero ang ginagawa may bahid ng panggagago

Siya’y dating katoto na minsa’y nabisita
Dahil ang wall ni Malaya kanya pong nakita
Sa “link” nitong itinanim, nagkomento siya
What’s the point?” daw po, katanungan niya

Sa pinagtanungang link, wala namang isyu
Na dapat niyang komentuhan o bigyan ng kuro
Nakatala lang kasi dito mga dating “komikero”
Na inaalala ni Malaya, para bigyan ng kredito

Wala rin sanang masama sa tanong ng katoto
Na tinawag ni Malaya na “pakialamero”
Kaya lang siya nabuwisit eksaktong labing-pito
What’s the point? na itinala, inulit-ulit n’yang komento

Ang ganito daw “buwisita”, isa pong “barumbado
Na sa FB wall ng iba ay “walang respeto”
Kung wala daw magawa, kay Juan na payo
Iuntog na lang daw n’ya, sa pader ang ulo

Kung itatanong daw n’yo pagkakakilanlan
Nai-delete na ni Malaya ang kanyang pangalan
Sapat na ring malaman n’yo na dati siyang ka-larangan
At ngayon lang  nakurong ulo niya'y walang laman

Ang sabi ni Juan okey lang na magpalitan
Ng mga komentaryo sa isyu ng talakayan
Pero ang komento na sa tantiya niya’y nang-aasar
Siguradong sa pilantik, meron siyang kalalagyan

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
April 25, 2011

No comments:

Post a Comment