
Ang Sabi Ni Juan
Ibigay Kay Caesar ang kay Caesar
Ang sabi ni Juan, nalimutan daw yata
Nitong si Mikey Arroyo nasa Bible na talata
Ibigay daw kay Caesar, ang kay Caesar na itinakda
Ito nga po ay ang “buwis” sa namamahala
Noong ang nanay niya, ay isa pang reyna
May yaman si Mikey na kanya pong itinala
Sa mga dokumento, malinaw na makikita
Di mapasusubalian na ito ay kanya nga
Ngunit nalimot niya, kanyang buwis ay bayaran
Kaya may record na siya po ay lumiban
Nang ito ay masilip, kuwentahin ng BIR
Nag-file po ng kaso, at siya nga’y nasampaham
Ngunit ang reaction nitong si Mikey Arroyo
Na representive ng TODA at mga sikyo
Harrasment daw ito ng pangulong nakaupo
At inililigaw lang daw, atensiyon ng mga tao
Sa katuwirang ito, si Juan daw ay natawa
Iba kasi ang “lyrics” niya kay Henares na kinanta
“Tax evasion” po ang awit na pinaka-tema
Sa kanya, ito raw po, awitin ng pulitika
Ang payo ni Juan, sa anak ni GMA
Tigilan na raw nito, ginagawang pasakalye
Kung siya man ay may utang na napakalaki
Bayaran na lamang daw, at huwag ng mag-inarte
Sa “kolektor ng bayan” ituloy pang paninilip
Sa mga negosyanteng, sa buwis nila ay nag-suwitik
Sa gobyerno naman ni PNoy, kapag ito’y ginagamit
Huwag ninyong sasayangin, at sa tao ay ibalik.
Malayang Isip
Dimasalang, Bulacan
April 16, 2011
No comments:
Post a Comment