
Ang Sabi ni Juan
Kapit Tuko
Ang sabi ni Juan, may naiwang aso
Ang reynang nanaog sa kanyang palasyo
Ngayong ang hari na si Noynoy Aquino
Ang asong "nagtulog", lumalaban na po
Gusto ng bagong hari, mapatalsik na ito
Upang karitong hinihila, bumilis ang takbo
Ang mga kapalpakang ginawa po nito
Ang siyang lilitisin sa ating senado
Ang pinunong aso, may sariling kampo
Meron siyang "deputy", prosecutor na kaalyado
Nang sibakin ng hari kanang kamay po nito
Pusturang lalaban, hanggang meron pong dulo
Ang deputy ombudsman, posisyong appointee
Kaya matatanggal ng bago pong hari
Ngunit hindi nga po ganito kadali
Dahil lalaban po hanggang huling sandali
Kapag nanatili pa ganitong opisyal
Tanggapan ng Ombusdman, siyang mawiwindang
Ang kailangan po natin mga taong mararangal
Na gaganap sa tungkulin na sa kanila’y iniatang
Ang sabi ni Juan, “delikadesa’y” ‘di na uso
Sa ating gobyernong “kapal muks” ang namumuno
Kawalan sa kanila ng tiwala, ‘di nila iniino
Kahit pa po isuka na, sila pa ri’y “kapit-tuko”
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
April 4, 2011
No comments:
Post a Comment