
Ang Sabi ni Juan:
Talentadong Pinoy
Joseph The Artist
Ang sabi ni Juan siya daw ay bumilib
Sa isang ka-tribo’t mahusay na artist
Ang kanyang talento, sadya nga pong unique
Dahil sa pag-drawing, buhangin ang ginagamit
Ang kanyang presentation ay komiks na komiks
Na pinatatakbo sa larawang iginuhit
Kahit daliri lang ang kanyang ginagamit
Pagkaka-execute n’ya, sadya pong malinis
Kanyang ipinakita, takbo ng istorya
Sa pagpapalit n’ya ng mga eksena
Habang nanonood, visual nating makikita
Ang buod ng kuwento, na siya ang may akda
Ito’y katha’t guhit, kung baga sa komiks
Na tinta at papel ang siyang ginagamit
Pero TV viewers totoo pong naakit
Dahil kakaiba, pagtirada ng artist
Sa kanyang panalo bilang talentado
Si Juan at si Mandy, ay sumasaludo
Sa kabila ng kapansanang, ang sanhi ay polio
Si Joseph ay nagsikap, sarili ay itayo
Ang sabi ni Juan, siya ay natutuwa
Dahil isang “artist” nakakuha ng gantimpala
Bagamat buhangin, ginamit n’ya na pang-likha
Obra niyang ginawa, komiks pa rin itong mukha
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
March 14, 2011
No comments:
Post a Comment