Ang Sabi ni Juan
Terorismo
Ang sabi ni Juan, ngayo’y nagbunga na
Travel advisory ng ilang mga bansa
Banta ng terorismo na noo’y isang haka
Tila may basehan upang hindi magtiwala
Ang bus na pinasabog, isang patotoo
Na ang terorismo threat nga’t peligroso
Ang mga inosenteng nabiktima nito
Ating pong ipagdasal, sumalangit nawa po
Wala pong magagawa ang ating gobyerno
Sa atakeng ilulunsad ng mga demonyo
Mga kampon po nila’y nakakalat, nakatago
At ang hinihintay, malingat po tayo
Sa sitwasyon ito, tayo pong Pilipino
Lahat ay magka-isa para ito maigupo
Tayo ay magmatyag, pakiramdam talasan po
Paghahasik po ng lagim, ay pihadong mabibigo
Ang bansa nating ito ang ating tahanan
Para sa ‘ting Pilipino kaya dapat na ingatan
Huwag tayong papayag na dito ay mangibabaw
Mamayani ang mga diyablo na salot at tampalasan
Ang sabi ni Juan, paglaban sa terorista
Hindi lang sa gobyerno natin dapat na iasa
May role din po tayong, dito ay itataya
Upang makatulong, mabawasan ang pinsala
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
January 25, 2011

No comments:
Post a Comment