Ang Sabi ni Juan:
Nursing Graduate
Ang sabi ni Juan, ang nursing na kurso
Na naging mabili sa maraming kolehiyo
Kapag daw estudyante, natapos po nito
Madaling mag-a-abroad, malaki ang suweldo
Anak at magulang dito’y narahuyo
Sa kursong nursing daw po, siguradong may asenso
Kaya kahit mahal, pang-tuition po dito
Kanilang igagapang, handang magsakripisyo
Sa dami ng estudyante na kumukuha nito
Mga nursing student po, totoong lumobo
Pati nga paaralang walang kursong ganito
Idinagdag na po nila para kita ay lumago
Ngunit ang malungkot, naging lima singko
Ang mga nursing graduate na walang trabaho
Kailangan pa raw nilang gumastos ng libo-libo
Para lamang “paalila” sa ospital na “tuso”
Kanilang OJT, binabayaran pa raw nila
Sa may-ari ng ospital na mapagsamantala
Magulang at nursing graduate, dumadaing na talaga
Ang iba ay nagsisisi, bakit ito pa ang kinuha
May iba na na-employed, sa suweldo’y nadismaya
Kinikita ng katulong, ka-level lang daw nila
Kaya naman marami po sa trabaho ay nag-iba
Namasukan ng call center, na malaking kinikita
Ang payo ni Juan, hindi dapat magahaman
Kung pipili daw ng kurso, nararapat pag-isipan
Pag-asenso’y makakamit kung magsisikap lamang
Sa tulong ng “Diyos Ama”, ang buhay ay babasbasan
Malayang Isip
Dimasalang, Bulacan
January 21, 2011

No comments:
Post a Comment