Ang Sabi ni Juan:
Make My Day
Ang sabi ni Juan sa kanyang pilantik
Tila meron daw tao na sa kanya ay nainis
Ang sabi sa e-mail, siya raw ay manahimik
Itigil ang patutsadang lagi nitong dinadalit
Ang sabi ni Juan, kanya lamang tinawanan
Sinasabi ng nag-e-mail, na alyas lang ang pangalan
Kung nasaling ang kalooban, at ito daw ay nasaktan
Panitik niyang itinudla, ay katotohanan lamang
‘Di raw kuntento si Juan, manahimik sa sulok
O hindi magkomentaryo sa isyu na natatampok
Siya daw po ang tao na, ang nais ay makihamok
Sa sandatang panitik niya, handa ring makipagtuos
Sa mundong ibabaw daw, tigib ng panganib
Ang TAMA at MALI, hindi puwede na magsanib
Sa dalawang ito nga raw ng naglalabang tinig
Sa dikta ng puso niya, siya sumasandig
Ang payo ni Juan, sa mga tinamaan
Sila ang umiwas sa kanyang daraanan
Hindi raw siya natatakot, sinuman ang sagasaan
Dahil ang kanyang hanap katotohanan lamang
Si Juan daw ay nakalantad, larawan ay nakikita
Kapagka tumutudla, tukoy niya ang puntirya
Kayo raw merong alyas, nakatago’t nakadapa
‘Di parehas kung lumaban, ito’y isang pandaraya
Kung hanap lang ninyo ay duwelo o giyera
Handa raw siya na pumalaot sa isang arena
Arenang hindi dugo kun’di talas nitong diwa
Ang inyong gagamiting panghalibas na sandata.
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
January 17, 2011

No comments:
Post a Comment