Ang Sabi ni Juan:
Mamang Pulis
Ang sabi ni Juan sa nagdaang araw
Itong “mamang pulis”, naging isyu ng bayan
Halos sunod-sunod, tila seryeng walang patlang
Na ang mga parak sa krimen ay nasangkot daw
May pulis na “nang-rape” sa isang tindera
At kinulimbat pa raw, dala nitong pera
May pulis na “kidnapping” ng Bumbay ang sala
Kung saan namaril pa ng kabaro nila
May pulis na “lasenggong” sa alak nalango
Kaya residente ang pineperhuwisyo
Nang siya’t sitahin ng hepeng pinuno
Ito pa ang pinatay at saka nagtago
May pulis na “hulidap”, modus operandi
At binibiktima, maliliit na negosyante
May “protector” ng gambling, dito sila nagsisilbi
At pulis na “pusher”, na sa droga’y nahirati
Meron ding mga pulis, “kahambugan” ay sobra
At kapag nagalit, armalite ang kinukuha
Ito ang ipinananakot, habang sila’y nagwawala
Feeling “Rambo” daw sila na nasa pelikula
May mga nagpupulis para lang magnakaw
May pulis ding iniisip, madali silang pumatay
Sa hawak na sandata, astig silang tunay
Tila baga itong batas, hawak nila sa kamay
Ang sabi ni Juan, sa ganito daw inaasal
Ng ilang kapulisang, nalalantad nga sa bayan
Ang buong imahe nila ang nadudungisan
At ngayo’y “demonyo” na kung sila’y turingan
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
January 11, 2010

No comments:
Post a Comment