
Ang Sabi ni Juan:
Kaso ni Hayden
Ang sabi ni Juan siya’y nababahala
Sa desisyon ng hukumang napapabalita
Sa laban ng mabuti kontra sa masama
Mas nananaig daw ang mali sa tama
Ang kaso ni Hayden isang halimbawa
Na batid ng lahat, kung paano nagsimula
Isa pong doktor dito, kalaswaan ang ginawa
Sa babaeng biniktima’t sa kanya ay nagtiwala
Kanilang pagtatalik, kinunan ng video
Na halata po namang kanyang itinago
Kaya nang malantad na sa buong mundo
Ang babaing napahiya, labis na nasiphayo
Dahil argabyado babae po’y nagdemanda
Ang hingi ay parusahan, doctor na nagwalanghiya
Sa kaso pong ito, tukoy natin ang masama
At gumawa ng ‘di ayon, ang moral ay pinababa
Pero sa unang salpukan, agad na pong binutata
Ng masama ang naapi, para siyang gawing tama
Ang hinaing ng nagdusa, at paghingi po ng awa
Tila baga di narinig, sa unawa’y kapos yata
Ang sabi ni Juan, maituturing na magulang
Ang hukom na dumirinig, sa kaso ng naglalaban
Kaya nga po itong api, hustisya ang inaasam
Mapanagot ang nagkasala’t, ito po ay parusahan
Subalit tila baga, "kunsintidor" na magulang
Kung dito raw ibabase ang desisyong pinalutang
Sa naturang kaso raw po, ang mali ang napaboran
At ginawang kamalian, ang siya pong kinampihan
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
No comments:
Post a Comment