Friday, December 17, 2010

Bulok na Justice System


Ang Sabi ni Juan:
Bulok na Justice System


Ang sabi ni Juan, sa kasong Visconde
Na maraming kuro, ngayong inaani
Mayroong pumupuna, meron ding kumakampi
Mayroong hanggang ngayon ito’y sinusuri

Sa desisyon ng Supreme Court, maraming nanlumo
Gayong dekada na, nang ang kaso'y iluto
Dalawang korte na rin, ang dito’y nagkuro
Pero pitong hukom lamang, ang siyang nagpako

Katarunga’y hinihingi ng mga naapi
Mga biktimang nakapiit at mga nasawi
Maraming taon ding naghintay ng muni
Pero ang naging hatol, sa wala rin nauwi

Pagkagunaw ng mundo, ramdam ng natalo
Langit naman ito sa mga nanalo
Ngunit ang nag-suffer, nagdusa ng husto
Itong justice system, nating may depekto

Babaeng may timbangan at piring sa mata
‘Di raw tunay na simbolo, sa ating hustisya
Ang dapat daw ilarawan, isang taong nakanganga’t
Tumutulo pa ang laway, sa salaping nakikita

Ang sabi ni Juan, hustisya raw ay mahirap
Sa mga inaaping ordinaryo at mahirap
Lalo’t ang sistema, bulok nga raw ang balangkas
At ang mga hukom, isang rekwang mga ungas


Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
December 15, 2010


No comments:

Post a Comment