Tuesday, November 30, 2010



Ang Sabi ni Juan:
Live Coverage: Ampatuan Massacre Case

Ang sabi ni Juan, sa kaso ng Ampatuan
Na sa buong mundo ay nagpagulantang
Nangyaring massacre sa bayan ng Maguindanao
Isa sa nagpadilim sa ating kasaysayan

Maraming humihirit na ito’y makita
Sa live coverage ng ating mga media
Maging si PNoy na pangulo ng bansa
Ay pumapabor din at nakikisimpatiya

Hiling din ng kaanak ng mga biktima
Na lubhang apektado at siyang nagdusa
Kung maaari’y sa TV kanila raw makita
Ang paglilitis ng kaso sa mga nagkasala

Ang sabi ni Juan, totoong mahirap
Na magparoo’t parito ang maraming kaanak
Gastos na sa biyahe at kaloobang umiiyak
Sobra na ang pasanin sa hustisyang hinahanap

Sa Korte Suprema nakatuon ang tao
Kung kanila bang pagbibigyan o ire-reject ito
Ang sabi ni Juan, sana’y huwag mabigo
Kahilingan ng marami na sa kanila’y sumasamo


Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
Nov. 25, 2010

No comments:

Post a Comment