Thursday, November 18, 2010


Ang Sabi ni Juan:
“Pilipinas Kay Ganda” Slogan

Ang sabi ni Juan, Departamento ng Turismo
Na ngayo’y inuulan ng puna at tudyo
Dahil sa slogang kanilang binago
Pati na Senador ay nag-react dito

Sa kanilang kuro, napaka-ordinaryo
At ang pagkakasulat, sa wika pang Pilipino
Hindi daw intindido ng turistang dadayo
Kaya panghatak, hindi rin sigurado

Hindi rin daw malikhain ang gumawa nito
At napaka-boring ani Miriam Santiago
“Pilipinas Kay Ganda” wala raw appeal sa tao
At kahit na bata maiisip ito

Ang “Wow Philippines" mas may dating pa nga raw
Ayon sa ilang opisyales, na nakikisawsaw
Dahilang pulitika, ito naman ang kantiyaw
Ng ilang tao ring sa slogan ay ayaw

Ang payo ni Juan, bakit di magpa-contest
Sa paglikha ng slogang, sa kanila ay da-best
Sa dami ng Pilipinong, napaka-creative
Tiyak na ilalahok, sa ganda ay bibilib

Kaya pagtatalo, itigil na lang daw
Ang sabi ni Juan sa isyung naturan
Maraming problemang hinaharap ang bayan
Dito dapat mag-concentrate at hindi sa slogan

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
November 19, 2010




No comments:

Post a Comment