Tuesday, November 16, 2010

Abusadong Transport Sector



Ang Sabi ni Juan:
Abusadong Transport Sector
Ang sabi ni Juan, sobra ng barumbado
Nasa transport sector na umaabuso
Kapag hindi nasunod, ang kanilang gusto
Pobreng mananakay ang pineperhuwisyo
Operator daw ng bus ay nagnenegosyo
Sa bisa ng prangkisang kaloob ng gobyerno
Prangkisang ito daw, layuni’y magserbisyo
At hindi magpahirap ng mga pasahero
Ayaw na nilang sundin, batas at reglamento
At ang hino-hostage, inosenteng mga tao
Kapag ito’y kinunsinti ng sa ati’y namumuno
Asahan nating darami pa, mga suwail at palalo
Dapat agarang kumilos, ating pamahalaan
Sa ginagawang ito ng mga pasaway
Nararapat lang siguro na sila ay latayan
Political will” ang pairalin at “kamay na bakal”
Ang sabi ni Juan, dapat na ring madaliin
Modernisasyon ng transportasyong, kailangan natin
Dito’y kulelat na tayo, ayon sa kanyang paghahambing
Sa kalapit bansa nating ang pag-unlad ay matulin

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
November 16, 2010

No comments:

Post a Comment