Ang Sabi ni Juan:
Hirit ni Mislang
Ang sabi ni Juan habang tumatawa
Sa nabalitaan n’yang, kapalpakang gawa
Tao raw ni P-Noy, hindi na nadala
Sa mga intrigang, ‘di kaaya-aya
Target ng batikos, tauhan n’yang “Mislang”
Na kasama rin n’yang dumalaw sa Vietnam
Aba’y nag-tweet ito’t alak doo’y pinintasan
Hindi umano nasarapan habang ninanamnam
Hindi rin daw pogi, mga lalaking Vietcong
Na sa tingin niya’y, mga walang latoy
Komento n’ya itong, itinala at nangamoy
Naging sentro ng atensiyon, nating mga Pinoy
Opisyal ng gobyerno, di tulad ng pribado
Na libreng magsalita ng kung anu-ano
Kahit na pansarili, kanilang komentaryo
Nakalilikha ito ng maraming kuro
Ang sabi ni Juan, dapat daw mag-ingat
Ang tao ni P-Noy na sobrang maangas
Bago raw magwika o kaya’y magsulat
Pakaisipin muna, kung karapat-dapat
Ang payo ni Juan, bibig ay isara
Lalo’t ating bansa, nire-representa
Kung hindi raw satisfied, huwag na lang itala
Sa tweeter o facebook, na lantad sa madla
Kung ayaw paawat, sa gobyerno’y umalis
At sumawsaw na lang sa showbiz na tsismis
Dito lang nababagay, maintrigang itu-tweet
Na katulad ng kay Mislang na mataray humirit
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
November 3, 2010

No comments:
Post a Comment