Ang Sabi ni Juan:
Kultura ng Pagka-pulubi
Ang sabi ni Juan, ating mababasa
Sa banal na aklat ay nakatalata
Ang tao raw tamad at nakatunganga
Hindi dapat pakainin ng kanyang kapwa
Sinasabi rin dito, sa pawis manggagaling
Ang sa bawa’t tao’y, kanilang kakainin
Ano’t ang gobyerno para hirap ay bakahin
Ang kultura ng pulubi, ang paiiralin?
Programa ni GMA na minana ni PNoy
Na ngayon ay kanyang ipinagpapatuloy
Conditional Cash Transfer daw ang ipangtutulong
Sa mga mamamayang, sa hirap ay nakabaon
Ngunit ito nga ba ang sagot sa hirap?
Na subuan na lamang, bibig ng aba't salat
Hindi ba’t mas mabuti sa halip na “dole-out”
Trabaho ang ibigay para buto nila’y mabanat
Ang solusyong ito, panandalian lamang
Sa isang problema na pangmatagalan
Kung itutuloy pa rin, ito sanang mabibigyan
Hikayating magtrabaho’t, ang biyaya ay suklian
Sa ganitong sistema, tayo’y makakaasa
Ang dignidad ng mahirap maitataas pa
Ito ay pagsunod din, sa Diyos na sinalita
Nasa KANYA ang awa, nasa tao ang gawa
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
October 24, 2010

No comments:
Post a Comment