
Ang Sabi ni Juan:
Ang Buwis ni Carlo
Ang sabi ni Juan, ang taong marangal
Hindi nandaraya’t malinis sa utang
Tapat magtrabaho’t hindi mapanlamang
At nakikiisa sa palatuntunan
Palatuntunan ng gobyerno’y magbayad ng buwis
Ito’y nasa batas, malaki man o maliit
Obligasyon itong dapat nating isulit
Dahil kabahagi ng government existence
Ordinaryong trabahador, kakarampot ang kita
Withholding tax nila’y kinakaltas pa
Kaya kadalasan, totoong gipit sila
Ngunit tuloy ang buhay ng mga pobreng manggagawa
Ngayo’y nasampolan ang awtor ng Panday
Na National Artist pa namang naturingan
Sa limpak niyang kinita at napasakamay
Tila nalimutang, buwis niya’y bayaran
Ang sabi ni Juan sa isyung ganito
Na sangkot si Carlo J. na nabigyan ng titulo
Pero delingkuwente pala sa obligasyon nito
Karapat-dapat pa daw ba ito na ating irespeto?
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
No comments:
Post a Comment