Tuesday, August 10, 2010

SONA



SONA


Kay daming SONA na ang aking narinig
Sonang kada taon isinasatinig
Sonang ang pag-unlad ang bukang-bibig
Sonang hindi lunas sa tiyang namamanhid

Sa Sona ni Gloria, tayo ay binusog
Sa pangakong “glorya” na kanyang ihuhulog
Sa siyam na Sona niyang pinagtuhog-tuhog
Pobreng mamamayan, sa “gutom” nakatulog

Ngayong si Pnoy na ang ating Pangulo
At sa kanyang Sona, binidahan tayo
Ang lahat ng sisi niya, si Gloria ang itinuro
Dapat bang unawain, si Noynoy Aquino?

Pangakong solusyon niya, ating bigyang pansin
Karitong hila niya’y, paano pagugulungin?
Mga depektong nakita, lulunasan mandin
At ang mga problema’y pakasusuriin

Kung otsenta’y singko, nakuha niyang marka
Isang taong palugit, ibigay natin sa kanya
Dito natin masusukat, kung papasa pa siya
Kaya abangan natin pangalawa niyang Sona.


Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
July 26, 2010

No comments:

Post a Comment