Tuesday, August 24, 2010

Mga Bagong Pilato


-->
Mga Bagong Pilato

Nang si Kristo’y hatula’t, sa krus ipinako
Sa udyok ng hudyo na nagpasimuno
Ang unang inisip nang noo’y si Pilato
Maghugas ng kamay, na nabahiran ng dugo

Sa panahon ngayon, may mga Pilato
Sa trahedyang naganap, sa lugar ng Quirino
Sa buhay na ibinuwis ng na-hostage na Tsino
Kanya-kanyang turuan, ang mga palalo

Sinisisi ay pulis, sa palpak na plano
At pakikipagnegosasyong, hindi sigurado
Maging itong media na kumukuha ng video
Isa rin daw sa kapural, kaya nag-alburoto

Ngayo’y naghuhugas kamay, dalawang pilato
Ang pulis at media na sadyang magkatoto
Ang tangka’y ilihis ang isipan ng tao
Na dahil sa kanila’y, bumaha ang dugo

Ito namang si P-Noy, tila raw bineybi
Ang hostage drama na noo’y nangyayari
Agad namang dumepensa, ang kanyang kauri
Huwag daw sisihin, si Noynoy na hari

Sino nga ba bayan, sa tatlong Pilato
Ang ating sisisihin at dapat ituro?
Ang pulis ba? Ang media? O, ating pangulo?
Na pawang naging palpak, sa kanilang trabaho

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
August 25, 2010

No comments:

Post a Comment