
Trahedya sa Luneta
Ang Luneta hostage, sampal sa gobyerno
Ng administrasyon ni Noynoy Aquino
Kung aalagatain, dito pa siya tumayo
Noong siya’y manumpa sa pagka-pangulo
Paghawak sa krisis, isang kapalpakan
Na tanga at bobo, mga taong nakialam
Ang nakakahiya, tayo ay nalarawan
Sa ganitong bagay, walang nalalaman
Ang buhay ng tao, dapat na inisip
Isinaalang-alang sa gitna ng panganib
Lalo’t dayuhan ito, na sa ati’y nag-tourist
Ang pag-iingat ay doble’t tripleng higit
Sa trahedyang ito’y ituon ang sisi
Sa mga nagpalala sa mga pangyayari
Pati na kapatid, na noo’y hinuli
Naging dagdag ito’t hindi nakabuti
Dapat ay pinairal, ibayong pasensiya
At hindi nagdesisyon ng ura-urada
Dapat ding ang pag-rescue, pinag-aralan muna
Upang hindi naging komedya sa nakakakita
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
No comments:
Post a Comment