
Berdugo
Sa nakita kong video kahapon ng gabi
At napanood kong ibinabalita sa TV
Dugo ko ay kumulo at labis na namuhi
Sa isang gawaing, hindi kawili-wili
Lumabag daw sa batas nahuling lalaki
Na kanilang tinalian sa mismo nitong ari
Katawa’y hinubaran patuloy na ginugulpi
Habang nakahiga, ay inaaglahi
Ang nagpaparusa, alagad pa ng batas
Na ang tungkulin ay higit na mataas
Mistulang berdugo, galaw niya at tikas
Ganito bang sadya, ginagawang trato
sa mga nagkasala’t landas ay lumiko?
Hindi ba’t mas dapat, ireporma ito
sa pamamaraang sibilisado’t tunay na makatao?
Ang mga taong pusakal na minamaltrato
Paano hihikayatin na sila’y magbago?
Kung ang sobrang poot, itatanim sa puso
Hindi ba’t sa paglaya, mas sasahol pa ito?
Mayroong mga tao na likas na demonyo
Tila isinugo dito ng pitong demonyo
Sila’y nakakalat, sa lahat ng dako
At marami sa kanila may mataas na puwesto
Ilan pang lumalabag, sa karapatang pang tao
Ang siyang naghahari sa iba’t ibang kampo
Kung wala pang nangahas na ito’y i-video
Disin sana’y ‘di mahahayag kalupitang ito
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
August 18, 2010
No comments:
Post a Comment