Ang Sabi ni Juan:
Cyber Prevention Act
Ang sabi ni Juan, totoo raw pong may hangganan
Kalayaang mamahayag nating mga individual
Kung ito’y gagamiting “walang basis” at
“pawang foul”
Hataw doon hataw dito, tamaan na ang tamaan
Ngunit kung ang pagsikil,
at layunin po nito
Musikang ikukumpas, gusto lang nitong maestro
Ito ang hindi dapat, payagan ng mga tao
Agad-agad na tutulan, kondenahin si “Pilato”
Pero itong si Juan, hindi raw po natatakot
Sa Cyber Prevention Act na sa kongreso’y pinalusot
Sa pilantik ng
panitik niya’y hindi raw po malilimot
Punahin ang mga taong sa ‘ting bayan ay balakyot
Hindi rin daw sapat
itong, paurungin ang kanyang dila
Mga mata’y ‘di rin pipikit sa indak ng mga “linta”
‘Di rin daw n’ya gagapusin, ang kamay n’ya na may pluma
At daliring sa keyboard ay palagi pong tumitipa
Sakali pong merong “ungas” na sa kanya ay sisita
At demandang libelo po, sa lingkod n’yo’y itutudla
Siya raw po ay
nakahandang, harapin ang sistema’t
Ipaglaban ang katwiran
sa baluktot na paniwala
Ang freedom of speech sa saligan nating batas
Ang dapat na mangibabaw sa batas na sumasapaw
Mga “bugok” at “gago” lang ang dito ay pumapatay
Na dapat po ay ibitin, ipakagat po sa langgam
Ang payo ni Juan,
lahat tayo ay tumutok
Sa batas na ninanais, na sa tao ay ipalunok
Kung meron pong isiningit at dito ay isinahog
Gumawa sana nito, tamaan ng pitong kulog
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
Dimasalang, Philippines
October 2, 2012
No comments:
Post a Comment