
Maskara
(A tribute to comedy king Dolphy)
Maskara kang, laging nakatawa
Mga tao’y inaliw mo't, iyong pinasaya
Maskara kang pinanood ng ilang dekada
Sa entabladong ginalawan, pinapawi mo ang dusa
Bagamat kung minsan
may luha rin sa ‘yong mata
Lalo’t dinaratnan ng mga trahedya
Problema sa pamilya’t
‘di maiwasang intriga
Ganoon pa ma’y ikinubli mo’t itinago
ang lungkot sa iyong puso
Nariyan ka pa ri’t
mga tao’y sinusuyo
Kahit na damdamin mo’t kalooba’y nagdurugo
Sa halakhak at pag-ngiti,
‘di mabakas ang siphayo
Ngayon ay nagluluksa sa iyong pagyao
O, maskarang labis na dinakila
Sa entablado nitong buhay
alaala mo’y ‘di papanaw
Lumipas man ang panahon.
Dumating ang bagong sibol
Maskara mo’y ‘di kukupas
at ang iyong anino
hindi kailanman magwawakas
Arman T. Francisco
City of San Jose Del Monte, Bulacan
July 11, 2012
No comments:
Post a Comment