Ang Sabi ni Juan:
Bangsamoro
Framework Agreement
Ang sabi ni Juan siya raw po ay umaasa
Kapayapaan sa Mindanao, atin nga pong makita na
Sa agreement na nilagdaan, ito sana ay magbunga
Umani ng kaunlaran, matigil na itong giyera
Ngunit ‘di po nararapat na tayo ay makalingat
Sa agreement ay tumutok, “himayin ang nakasulat”
Baka raw po meron ditong, konting “lason” na lumigwak
Na kapagka natukasan, nagnanaknak na ang sugat
Ang ka-deal daw po natin, ang nais ay magsarili
Mindanao ay pirasuhin sa gustong sukat at laki
Magtayo po ng gobyerno at sarili nilang army
Na ‘di saklaw ng Pilipinas, wala na po tayong paki
Ngunit ngayon pa lamang,
meron na pong sumasawsaw
Si Misuari na
dati po’y kasama sa kasunduan
Ito po ay nagsasabing, sisiklab daw ang digmaan
Dahil ‘di raw sila pabor sa agreement na pinalutang
Bukod dito’y meron pa pong sa MILF, humiwalay
Si Umbra Kato
na kumander, at palaging pumapatay
Ito po ang mga bantang, kay Juan po ay natatanaw
Problema na possible pong, sa “future” ay magsilitaw
Ganoon pa ma’y,
nararapat na tayo ay "positibo"
Na sana nga sa agreement, itong giyera ay mahinto
Di rin dapat mapiraso, itong ating teritoryo
At saklaw pa ng Pilipinas, ang kanilang “Bangsamoro”
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
October 15, 2012
No comments:
Post a Comment