Ang Sabi ni Juan:
SABAH CRISIS
Ang sabi ni Juan, sa gobyerno ni P-noy
At sa adviser n’yang, mahihiya itong bopol
May bagay po silang, ino-ogoy-ogoy
Na akala’y bale-wala’t, hindi mag-aapoy
Trahedya sa Lunetang, ang hostage ay tourist
Napatay sa pag-rescue, dayuhang mga intsik
Ito’y ‘di sineryoso ni
P-noy na bagong panhik
Na sa termino n’ya, nagdulot ng unang batik
Ngayon nama’y “Kiram
letter” ang siyang dinedma
Na kung pinansin sana, walang “stand off” sa Sabah
Dahil nga po nainip na, Sultanate na tagapagmana
Nag-alburoto’t ang naisip, gumamit na ng sandata
Ngayong ito’y umapoy na’t, tila ‘di na maaawat
Gasolinang “pananakot”
si Noynoy ang nagpatak
Sa halip na maapula, lalo nitong pinalawak
Nag-resulta ng kamatayan, dugo na ang nagsi-tagas.
Ang sabi ni Malaya, ang isyu ng “Sabah
claim”
Ay usaping ‘di madali, kung atin pong lilimiin
Ito ay kasaysayang, matagal na ring inilibing
Na ngayon ay ibinangon, sa taong Twenty Thirteen
‘Di po natin inaalis, lider natin ay mag-ingat
Lalo’t itong conflict ay usapin pong pang-labas
Si Kiko ay umaasang lider natin ay titindig
Sa pakikipag-usap sana, may “balls” sila’t tipong “astig”
Pilipino ang pinapatay, nililipol po sa Sabah
Na ang tanging inaasam, lupaing minana pa
Hangad din po nitong si Juan, mundo sanang nakakita
Kondenahin ang Malaysia, sa mali nitong ginagawa
Di nga po ba’t itong UN,
nagtayo ng arena
At ganitong mga isyu, doon dapat maresolba
Ang Sultanate at Malaysia,
maglahad ng ebidesiya
Sa kung sino ang may-ari, alas nila’y ipakita
Si Juan, Kiko at Malaya, ang pahatid ay simpatiya
Sa kapatid nating Muslim na pinapatay po sa Sabah
Kung may “
AVENGERS” sana silang makukuha
Agad-agad isasabak, Malaysian forces ay humanda
Si “VERGIL” po’y
available, ang sabi ni Mandy
Si “KALASAG” ewan
daw n’ya kung papayag si Jeffrey
Ang “ANIMEN” nitong
si Ron ‘di rin alam kung sasali
Kasama ang “REAPER”
ni Nald, kung ito rin ay o-okey.
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
March 10, 2013
No comments:
Post a Comment