
Ang Sabi ni Juan:
What If?
“It only takes one weak link to break the chain.
It only takes one careless flame to start a holocaust”
Ang sabi ni Juan, marami raw siyang “what if?
At scenario na nakikita’t naglalaro sa kanyang isip,
Tension sa Scarborough Shoal na napakaliit,
Posible daw na pagmulan ng malaking conflict
What if…
Ang lider ng Tsina, is so “mayabang”
At ang nasa utak niya, dambuhala s’ya’t tayo’y langgam
Na kung sakaling magkadigma’t, magkaroon ng labanan
Marami at malalakas, armas nila sa sisidlan
What if…
Ang lider ng Tsina, is so arrogant?
And the rules and UN laws, kanilang tinalikdan
Diplomatic at mapayapang negotiation, ibinasura lamang
At mas piniling makidigma’t, mamuwersa ng kalaban
What if…
Ang lider ng Tsina, nakipag-alyado
Sa malaki ring bansa na kagaya niya ay palalo
Sa pag-aakalang mas lalakas, puwersa nila ‘pag nagsalo
At kaya nang manlupig, at sa digmaa’y mananalo
What if…
Ang lider ng Tsina, may topak na’t nababaliw
Peaceful solution to the conflict, no longer possible for him
Ang gusto niya ay digmaan, dahil siya nga ay insane
At wala ng pakialam sa katuwiran at damdamin
What if…
Ang lider ng Tsina, have the mentality of Hitler?
Na sa sobrang pagkapalalo, sa kanyang hawak na power
Kapitbahay na mga bansa, he wanted to conquer
And annihilate the citizen in their own land and lair
What if…
Ang lider ng Tsina, forgot the lesson in history?
Na ambisyosong "head of State" ang siyang naging sanhi
Kaya nawasak ang civilization, milyon-milyon ang nasawi
Sa digmaang “no victorious” o walang nagwawagi
What if..
Ang lider ng Tsina, forgot how destructive it is?
The stockpile of weapons, na posibleng magamit
Mga nuclear bomb po itong, kapag sa ere’y pinasirit
Buong mundo’y mawawasak, mga lahi’y mapapalis
Ang sabi ni Juan, ang solusyon daw po dito
Ay “power of prayer” sa Diyos tayo magsumamo
Head of the State na nag-uusap, maging mahinahon ang ulo
Upang kapayapaa’y manatili hindi mawasak ating mundo
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
April 22, 2012
No comments:
Post a Comment