
Ang Sabi ni Juan:
A Child No More
Ang sabi ni Juan, natatawa siya kay Soliman
Sa ‘di po pagpabor na ang idad ay babaan
ng mga batang “offender” na disiotso ang gulang
At gumagawa po ng krimen, sa ating lipunan
Ang tingin ni Dinky, younger than eighteen ay bata pa
At considered “child” pa rin, gaya ng nakatala
sa RA 9344, eighteen years old daw pababa
ay wala pa raw “dunong” sa kanilang nagagawa
Sa halip daw na ibaba, ang naturang age limit
Sindikato ang tugisin na sa bata’y gumagamit
Ang pahayag niyang ito, lagi na pong bukang-bibig
At terminong ginasgas na, sa problemang nauulit
Ang sabad ni Mandy, kanya raw po na opinyon
Ang disiotso pababa, sumobra sa limitasyon
Kahit dose anyos lamang, ganap na raw itong dunong
At unawa’y mulat na rin sa gagawing mga aksiyon
Sa ilang relihiyon, dose anyos daw pong idad
Sa pag-unawa ng doktrina, meron na siyang kapasidad
Sa landas na pupuntahan at kanyang nilalakad
Alam na n’ya ang mabuti at gawain ng mga “bad”
Disiotso anyos daw po sa lalaking Pilipino
Kasibulan, kalakasan, sa pisikal nilang anyo
Kadalasan ay puwede n’gang siya na ang mamuno
sa sindikato o ‘di kaya’y bagong gang na ang itayo
Sa lalaki’y matinik din, may idad na disiotso
Kung magbilang po ng girlfriend, daliri n’yo’y hindi husto
Ang babaeng hahakbangan, tiyan din po’y lumolobo
Ganito ba ang child ninyo, na sa dunong kulang pa po?
Ang payo ni Juan, sana daw po ay limiin
ng tao na nagsasabing disiotso ay child pa rin
Baka raw po sa “retarded” itinulad, inihambing
Ang modelong iniakma nang RA 9344 ay sulatin
Malayang Isip
Dimasalang, Bulacan
Sept. 16, 2011
No comments:
Post a Comment