
Ang Sabi ni Juan:
When Money Speaks…
Medyo raw po siya natuwa, ang sabi ni Juan
Na merong isang hukom, sa paglabag nahatulan
Twenty seven years in prison, ipinataw ng Sandigan
Sa kanyang naging kasong three count ng katiwalian
Di umano’y nagpalibre ang naturang hukom
Nang siyam na buwan sa isang gasoline station
Dose mil kinyentos naman sa pag-aalis ng injunction
At forty thousand daw, sa pondo ang dinambong
Ang lahat ng ito po’y may kaugnayan sa kaso
Na sa kanyang sala’y nililitis ang merito
“Pangongotong” po ng hukom dito ay nabisto
Kaya naman nakasuha’t sa Sandigan ay natalo
Nguni’t ito ay “butil” lang sa dami ng mga hukom
Na sa ating mga korte, naglisaw at naglimayon
‘Di lang libo ang “lagayan”, meron din daw milyon-milyon
Na sa ating justice system, sadyang nga pong lumalagom
Si Judge Tabang ng Tacurong isa lamang sa tiwali
Sa maraming mga judges na ganito ang naging gawi
Ang “ayusan” po ng kaso, talamak daw at palagi
Abugado’t mga hukom ang promoter nito’t sanhi
Komento ni Mandy, huwag daw tayong magtataka
Kapag may nabalitang, isang “drug lord” pinalaya
Ebidensiyang malalakas bigla na lang humihina
At ang testigong nagtuturo bigla na lang nawawala
Ganoon din po sa TRO na madaling nakukuha
At sa hukom na nag-isyu, tila kaso’y bale wala
Asahan daw na dito ri’y nangyayari ang “himala”
Lalo na’t ang nasasangkot sa salapi’y pinagpala
Ang sabi ni Juan sa Timothy six-ten nakapaskil
Ang “the love of money” daw “is the root of all evil”
Si Mandy na nakikinig, tumatango’t nailing
At ang wika’y “when money speaks, the truth is silent” din
@ Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
September 24, 2011
No comments:
Post a Comment