Sunday, November 20, 2011

Check Mate?


Ang Sabi ni Juan|

Part 3: Check Mate?

Ang sabi ni Juan, deliberation ay natuloy
Araw po ng Biyernes, nang ang SC ay magpulong
Ang MR na inihain ng government Solicitor
Babawiin daw po kaya? O ito’y itutuloy

Sa botong walo-lima, na headed by Corona
At “Queen’s Tower” daw po ng bumabang reyna
Ang MR ng Solicitor agad nilang binasura
Kaya si GMA, sa pag-escape ay tuloy na

Sa palitan ng sulong ng dalawang kampo
Ay “slightly advantage” si Gloria Arroyo
Supreme Court ang tumatayo na kanyang “padrino”
Kaya sa end game po nila, si PNoy na ang dehado

Ang kampo ni PNoy, agad nagmaniobra
Naghanap po ng alas, sa sulong nilang natitira
Biglang-bigla ay umentra, COMELEC na merong bala
Election Sabotage” nga po, kay GMA ang ibinuga

Si GMA na sa St. Lukes, ay namamahinga
Oras lang ang hinihintay para sila ay lumarga
Sa RTC naman noon, na kaso po’y naisampa
Ni-review ang information ng hukom na nakatoka

Nagdaan ang mga oras, na napakabilis
Habang mamamayan, may tanong na naiisip
Sa end game raw po kaya, sino daw ang mapapalis
Si PNoy ba o si GMA? Mga tao’y nasasabik

Sa isang kisap-mata, ang advantage ni Gloria
Ay biglang pumihit, kampo nila ay namangha
“Check-mate” na po kasi, isinulong na tira
At “warrant of arrest” ang ginamit na sandata

Bigla pong nasakote, ang kinasuhang dating reyna
At bantay-sarado na sa pulis na nagroronda
Ang kanyang abugado’t matatalinong puwersa
Ngayon po ay nag-iisip, sa sulong na ititira

Ang sabad ni Mandy, na matagal na nag-mimiron
Sa political chess game, ni GMA at ni PNoy
Kanya pong analysis, ang laro nila ay patuloy
At posibleng “brilliant moves” din susunod na isusulong

Ang payo ni Juan, “mag-relax” muna tayo
Pansamantalang kalimutan, si PNoy at si Arroyo
Ang Pasko ay malapit na, wika noon ni Aquino
Si GMA po’y magki-Christmas, sa loob ng kalaboso


Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
November 19, 2011

No comments:

Post a Comment