Sunday, October 30, 2011

Enemy of the State



Ang Sabi ni Juan:
Enemy of the State

Ang sabi ni Juan, may sarili siyang komentaryo
Sa napabalita pong limang milyong piso
Salapi pong ibinigay ni presidente Aquino
Sa pinuno ng MILF, nang sila ay magtagpo

Ito raw ay “commitment,” pag-amin ng palasyo
Na hindi raw naibigay nang nakalipas na gobyerno
Kanila lang tinutupad ang sa kasundua’y pangako
Sa MILF official na sa peace talk ay ka-chat po

Nakalaan daw po ito sa BMLI na paaralan
Na leadership at management ang pagsasanayan
Kapag daw po ang sub-state naging isang katuparan
Meron silang mga leader na maaasahan

Maganda raw ang layunin, kung ito ay hindi “suhol”
O kaya’y ‘di secessionist ang ka-negosasyon
Nalimutan daw po yatang, MILF ay naglalayon
Na “pirasuhin ang Mindanao”, para sila ang kumontrol

MILF ay rebeldeng ang nais ay magsarili
Meron silang bandila, mga kampo’t territory
May kawal din sila, ang “Bangsa Moro Army”
Na kalaban ang sundalong, ina-ambush na parati

Teritoryo rin daw nila, kanlungan ng terorista
At sanctuary ng kriminal na sa batas pumupuga
May kumander din daw silang pasaway at kumokontra
Tila command ng “higher ups” walang saysay sa kanila

Paano raw kung ang pera, ibinili lang ng bala
At ito ang umutas sa sundalong nagpatrulya?
Kayo raw ba’y hindi man lang uusigin ng konsensiya
Sa kamatayan po ng kawal na pinatay sa pagtudla?

O, ‘di kaya’y may leader na sa BMLI ay nagtapos
Na nag-plano at namuno sa successful na pag-ambush
Ang expertise ay ginamit para sundalo ay maubos
Kayo po ba sa sitwasyon, hindi man lang malulungkot?

Kung katuwiran ng gobyerno, ang pera ay ia-audit
At titiyakin din po nilang sa tama lang magagamit
Komento ni Mandy, ‘di raw n’ya maiwasang mainis
Ang gobyerno raw natin, kung ma-isip tila paslit

Sa sariling bakuran daw na kontrolado ng gobyerno
May tanggapan pa rin daw pong ‘di liquidated itong pondo
Ang rebelde pa po kaya, ang maging “honest” dito
At kung gawin man po nila, maniniwala raw ba tayo?

Ang “enemy of the state” raw ba’y, dapat bigyan ng salapi?
Ang tanong ni Mandy na ‘di makuhang mangiti
‘Di raw kasi n’ya maatim na kalaba’y bumahagi
sa “taxes” na binayara’t sa gobyerno’y isinubi

Ang ganitong ka-peace-talk daw nararapat pag-ingatan
Suriin ang sinasabi’t ginagawa’y pag-aralan
Kung government peace panel natin, matalino pero “hangal”
Siguradong mas problema sa bansa natin ang daratal

Ang sabi ni Juan, nalalarawan daw po dito
Ang kahinaan ng gobyerno at “baklang pamumuno”
Ang kapalpakan daw po noon ni Presidente Arroyo
Polisiyang ginagaya, inuulit lang ni Aquino


* BMLI - Bangsa Moro Leadership and Management Institute

@Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
October 29, 2011

No comments:

Post a Comment