Tuesday, March 8, 2011

The Art of Doing Nothing



Ang Sabi ni Juan
The Art of Doing Nothing

Ang sabi ni Juan marami ang natutuwa
Sa desisyong inilabas ng Korte Suprema
Sa botong pito-lima, inulit lamang po nila
Ang motion ni Gutierrez, ganap na pong nabasura

Kasabay po nito, natuloy din sa kamara
Ang pagdinig sa impeachment, na nakakasa
Sa justice committee, thirty nine po sila
Ang bumoto ng pabor, laban din sa kanya

“Betrayal of Public Trust”, ito po ang akusa
Dahil sa pag-upo n’ya, sa mga kasong naisampa
Ito po ang dahilan, kaya ngayo’y malaya pa
Si Bolante et al, patuloy na gumagala

Ang sabi ni Frank, sa kanyang hinaing
Si Merceditas daw po, nagpa-praktis ng sining
Sining po ng ano? Singing ba o painting
Ang tugon ni Chavez, “The Art of Doing Nothing”
Ang kanya pong talento na “delaying tactics”
Ay ‘di rin umubra sa ‘ting representatives
Maging ang “pautot” n’yang mga press conference
Ay wala ring saysay at hindi effective

Ang sabi ni Juan, nangyari na ang himala
Sa ating Ombusdman, kidlat po ay tumama
Hindi lang po isa, ku’ndi dalawa pa
Na pawang na-direct hit si Aling Merceditas

Ngayon po ay nakatuon, sa “Aso” ang bayan
Kung siya po ay magre-resign, o tuloy ang laban
Dalawa na pong talo ang kanyang naranasan
Sa ikatlo po ay possible, kanya ng katapusan

Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
March 8, 2011

No comments:

Post a Comment