Part 1: Endgame?
Ang sabi ni Juan, sa lumipas na mga araw
Siya po’y nanahimik at nagmamasid lamang
Sa “political chess game” ng dalawang naglalaban
Ang kanilang “endgame” talaga raw na lotlotan
Si De Lima na opisyal at “pawn” ni Aquino
Ang isa sa obstacle nang dating pangulo
Siya ang “PNoy’s Rook,” moog na nakatayo’t
Naatasang i-check mate na itong si Arroyo
Anim na “plunder case”, ang ibinabandera
Pambala sa kanyon upang ma-corner na
WLO ay isinulong upang ‘di makakapuga
Ang dati pong reynang sa palasyo ay nagtira
Ngunit si GMA ay meron pang isang “alas”
Na puwedeng ipang-giba’t, sa moog ay babasag
TRO ng Supreme Court, ang kanyang itatapat
Upang sa “trap” ni De Lima, siya’y maka-alpas
Ang “right to travel” po isa niyang argumento
Na kanya raw karapatan bilang isang Pilipino
Ang kalusugan din daw niya ay namemeligro
Kaya ang “right to life” isa pa ring paniguro
Ito ay sinalungat ni Secretary De Lima
Dahil siya ay duda pong si GMA, babalik pa
Ang “national interest” katuwiran po niya
Ang dapat panaigin kaysa ilang kumokontra
Sulong na pang-TRO’y, petisyon ni Gloria
Na ang Supreme Court natin ang siyang magpapasya
Tayo pong mga miron, na nag-aanalisa
Maghihintay ng desisyon, habang nakanganga
Komento ni Mandy, ‘di posibleng mangyari
Supreme Court daw ay pumabor, kay GMA na hinihingi
Sa Supreme Court kasi, si Gloria ay merong “tore”
Na kanyang kinoronahan, habang siya’y presidente
Ang sabi ni Juan, sa susunod na kabanata
Kapag daw po pinayagang si GMA ay kumawala
Si De Lima at PNoy daw wala na pong magagawa
Kung hindi ang maghintay na nakapangalumbaba
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
No comments:
Post a Comment