Ang Sabi ni Juan:
Mata ng Bayan
COA (Commission or Audit?)
Ang sabi ni Juan, ang corruption ay talamak
Dahil merong mga tao, na dito ay kasapakat
Ang AFP, isa lamang sa dami ng nagnanaknak
Na tanggapan sa gobyernong salapi ang kinakawat
Ngayon ay nagmamasid, sa COA na taga-audit
Mata ng taong baya’y may hinalang nakaukit
Sa paglantad nga ni Heidi, marami ang nag-iisip
Kung ang COA ay malinis, o nakalublob sa putik
Ang atin pong COA ang siyang nag-a-audit
Sa mga transaksiyones na meron pong sabit
Ang pondo po sa gobyernong, tiwali na ginamit
Sila ang taga-buking, sa opisyal na nangungupit
Ngunit sa “sistema”, ang auditor ay “kasabwat”
Sa milyones na komisyon, na kanila pong tinatanggap
Hindi na po magtataka, kung hindi sila nalilipat
Dahil sila ay bahagi, sa nakawang nagaganap
Sino raw pong mag-a-audit sa ‘ting COA auditor?
Tanong ng pilosopong, sa isyu’y nagmo-monitor
Kung sila pong ating “MATA”, hindi na rin nagpa-function
Para silang Ombusdman ding, sa sulok lang umaamoy
Ang sabi ni Juan, ang ganito raw empleado
Na sa atin naglilingkod, pero tayo’y niloloko
Kung may “karmang” mahuhulog, sana’y silang makasalo
Tadhana na ang gumanti, sila rin ay maperhuwisyo
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
February 22, 2010
No comments:
Post a Comment