Ang Sabi ni Juan:
Impeachment Trial
Ang sabi ni Juan siya ay natutuwa
At napa-palakpak din sa narinig na balita
Matagal na kasi siyang umaasam ng "himala"
Na “kidlat” po sana, sa Ombudsman ay tumama
Sa botong pito-lima ng Korte Suprema
Petisyon daw ni Gutierrez ay ibinasura
Inihain pong impeachment ng ating kamara
Tila raw gugulong rin, para siya ay masipa
Constitutional crisis na puwedeng ibunga
Ng duwelong lehislatura at ng hudikatura
Dahil nga kay Merceditas na nasa gitna nila
Ngayo’y humupa na’t bayan ay nakahinga
Motion for Reconsideration tiyak na ikakasa
Ng kampo ng Ombusdman sa Korte Suprema
Umasam po tayong muli itong mabasura
Upang ang proseso, magtuloy-tuloy na
Sa impeachment trial ating makikita
Tikas at talino ng atin pong kongresista
Dito po dating “reyna” kasama na rin nila
Na tiyakang susuporta sa dating “aso” niya
Bayan ay magmamasid sa kanilang sarsuwela
Bayan din ang hahatol, kung sino nga ang bida
Ang “tapat” at “taksil” atin pong makikita
Sa aksiyon at salita, mauuri natin sila
Ang sabi ni Juan, tayo ay magkaisa
Pinuno po ng Ombusdman ay mapalayas na
Kaso ng katiwaliang, inupuan lamang niya
Magkaroon na ng ending, panagutin ang may sala
Malayang Isip
Dimasalang, Philippines
February 16, 2011
No comments:
Post a Comment